NYEKS (txt)

AVISALA!!! sa aming blog...!

Tuesday, August 17, 2010

BEKI-TUDE (attitude ng bakla)

ni: Darlene Hanna Potot

Bawat tao na nilikha dito sa mundong ibabaw, ay may kani-kaniyang pag-uugali. Mapababae, mapalalaki, mapabakla man o tomboy.. Ngunit kung ating susuriin, bakit nagugustuhan ng mas nakararami ang mga bakla? Ano bang meron sa kanila? Bakit sinasabi ng iba na masarap silang kasama?

Kapag naririnig natin ang salitang “bakla” naiisip agad natin ang mga pag-uugaling madada, maharot at palakaibigan. Kaya sila nagugustuhan ng karamihan, dahil pag sila ang  kasama mo buhay na buhay ka. Siguradong hindi ka mabobored kaya nga tinagurian din silang “THE ENTERTAINER” dahil hindi sila nauubusan ng sasabihing puro katatawanan. Ooops!! Wag ka nang mag-deny d’yan, sigurado naman akong kapag may kasama kang bakla laging nakalitaw mga ngipin mo, minsan nga’y nakikita na rin mga gilagid mo. Kadalasan din, kapag sila ang bida sa inyong usapan, ay napapaupo kana sa katatawa sasabihin mo pa nga “tama na, ang sakit na ng tiyan ko”. Iyan ang ilang dahilan kung bakit nakatatawa silang kasama.

Ngunit sa kabila nito, meron ding pag-uugali ang mga bakla na hindi kaaya-aya. Tulad ng pagiging prangka nila, sa pang-ookray nila. Para sa kanila biro lang pero minsan nakakasakit na sila ng damdamin. At isa pa sa mga ayaw ng iba sa ugali nila ay ang mga “mabibigat” nilang kamay. Mahilig silang mamalo dala ng emosyon nila sa pagkukwento at mahilig pa silang manabunot.

Sa ngayon, mawala man sa mundo ang mga bakla (na siyang imposibleng mangyari) ay hindi natin maikaka-ila sa ating mga sarili na tanggap sila sa lipunan, bagama't sinasabing di sila tanggap ng simbahan.

KALERKI! FASHIONISTANG BEKI (fashion ng mga bakla)

ni: Arrah Mae C. Rodolfo

Fashion ba??? hmm... ang daming fashion ng mga beki, mapa-borloloy, damit, make-up, hairstyles, nail art o mapa-shoepatos man!. Lahat talaga ng mga ginagawa ng mga girls ay ginagaya nila ng bonggang-bongga!!!
Pagdating sa pananamit, perfectly coordinated sila, terno pati underwear...
Hahaha.... Madalas nakafitted na damit, feel na feel magpalda, mahilig din sila sa mga pink na damit at kung anu-ano pa basta PINK. Sabi ng iba mas madami pa daw silang shoepatos kaysa sa mga girls, ang mga kuko nila mala-rainbow ang itsura!!! Sa hairstyles naman, syempre alam naman natin na mahilig sila magpahaba, minsan nakakulot, minsan naman parang tuwid na mala-alambre ang drama!! Naku kaloka!!! At syempre di mawawala ang make-up sa accesories nila, yan ang nagpapabeauty sa kanila.. Ang mga pabango nila, pang-girls ang aroma... hahaha...
Oh ayan ang dami ko ng nasabi, basta ang masasabi ko lang sa mga BEKI napaka-FLAMBOYANT nila dahil yun ang nagbibigay ng energy sa FASHION nila

TIKTAKANG BEKI (salitang bakla)

ni: Arjay Laquindanum

Ano nga ba ang mga alam mong salitang bading? Kung saan nabuhay ako sa mundo ng komunikasyon karamihang nakakasalamuha ko ang mga bayla or bading, juding, badingkywingky, jokla, badash, at kung ano ano pang tawag sa kanila. Napakabilis lumago ng lenggwaheng ito o ang tinatawag nilang gay linggo. Kaya parang ang nangyayari ay napapa uso lamang ito. Ito ang ilan sa mga salita nila, basahin niyo nalang ito:

ANIS/ANEK : ano
AKIS/AKETCHIWAH : ako

BARYOTIK (bar-yoh-teek): walang alam na hi-tech. Galing sa baryo.
BABYROCKET (bey-bi-ro-ket): taong nagpapababy sa kilos at salita
BOG/BOOGGIE : kabog, kinabog
BUBELS/BUBEY/BUBANG : dibdib ng babae
B.Y/BYOLA : magandang lalaki
BET (bet narin) : like (pagkagusto)

CHIKI/CHUVA : balita, tsismis
CHAPTER/KYONGET/CHAPSUY/CHARARAT : pangit
CHENES (tse-nez)/KESO : pamalit na salita para sa mga bagay.

DITECH/ITECH : dito
DAKS/DAKIS : laki, malaki

ECHOS/ECHUSA/EKLAT/EKEK : joke lang, biro lang, hindi totoo
EMBEY/EMBUDO/EMBOTIDO : nakakainis, nakakairita

GORS/OKANI/ANDA : pera
GORA/AWRA : punta
GURAMI (guh-ra-mee)/THUNDERS : matanda

ITECH/ITECHIWA : ito
IKAWSUNG/IKAWCHI : ikaw

JERFLITS (dyer-fleets)/MATET : klepto, mahilig mang-dekwat ng gamit na hindi kanya.
JULIS (dyu-lees)/UMAWRA : umalis
JORANGAY SYONOD : brgy.tanod
JULI VEGA/JULI AID : huli, nahuli

KABOG/KABOGIN : hampasin o suntukin, talunin
KYOHAY : bahay
KETAY : cellphone
KERI : kaya

LAPS/LAFANG/LAPUK/LAPCHUS : akto ng pagkain

MONAY : mali
MUGEL/MERLAT/GULAY : babae
MUDYANG : nanay

OCHI/OCHIBELS : oo
OHMS/OMBRE : lalaki

PUDYANG : tatay
PLANG/PLANGAK : naman (pagsasang-ayon)
PA-TWEETUMS (pa-twi-tams): nagpapa-cute

SIOMAI : tama
SITE/ : kita, nakita
SILACHI : sila
SINETCH/SINIS : sino
SHABENGBENG : shabu

TAYIS : tayo
TIBOLI/TOBLERON/SHEBOLI/ice cream : tomboy
TOMI/TOMYANG : gutom
TEGI/COFFEE PARTY/TIGUK/CHUGI : patay
TIKTAK : salita

WAS/WA/WAING/WALEI : wala
WIT/WITCHEL : hindi
WAKOBET (wa-koh-bet) : wala akong gusto


YAMING (yeah-ming) : tumataginting na pera ang kasuotan at mga gamit


Ang mga salitang ito ay ilan lamang sa mga salita ng mga bakla.Ito ay pang gabay lamang sa mga hindi pa gaanong nakakaintindi sa mga salita nila.Madaling intindihin ang ibang salita nila sapagkat iniiba lamang nila minsan ang nasa unang letra at pinapalitan nila ng letrang: ja,je,ji,jo,ju at cha,che,chi,cho,chu at ang sha,she,shi,sho,shu.At ang iba namang salita nila ay itinutulad sa mga pangalan ng mga sikat na artista.

Ayan, sa tingin ko matutulungan na kayong makaintindi ng salita nila kahit papaano.Para kapag may sinasabi sayo ang isang bakla alam mo kung ito ba ay maganda o pangit.

BEKI INLABABO??? (lovelife ng bakla)

ni: Albert John C. Sabas



Paano nga ba magmahal ang isang bakla? Nakatatak na sa isipan ng bawat tao na ang bakla kapag nagmahal ay todo todo walang break walang preno. Bumangga man sa kanto ikaw pa rin ang iibigin ko. Subalit bakit nga ba iilan lang ang nagtatagal sa ganitong relasyon? Sino ang nagkamali at nagkulang? Mga tanong na sadyang sa mga mata ng mga taong walang alam.

Ang mga bakla ay tinaguriang third gender. Mga lalaking bumigay dahil sa pag kakaroon ng pag tingin sa kapawa nito lalake. Kapag sila’y nagmahal,kahit ano’ng pangangailangan ng isang lalaki’y kanyang ibibigay . Kahit sumuot pa ito sa karayom ,wala silang pakialam mapasaya lamang ang iniirog.

Sa kabilang banda,sa isipan ng mga lalake isa lamang itong laro. Pag pinagsawaan na iiwas kapag wala ng kwenta itinatapon na. At ang mas matindi kapag nakahanap ng mas mapera break na. Ginagawa nilang katawatawa at laro ang ganitong sitwasyon na hindi tama. Sa unang sabak palang ng dalawa sa kanilang relasyon ay bumababa na rin ang kanilang moralidad.

Ayon sa banal na simbahang Katoliko,isa itong kasalanan. Ang Panginoon ay lumikha lamang ng dalawang nilalang na may dalawang kasarian . Ngunit dahil na rin sa modernisasyon ang ibang bansa ay pabor sa ganitong usapin. Pinahihintulutan din ang pagpapakasal ng mga third genders. At higit sa lahat tinatanggap na rin sa kanilang lipunan at binibigyan ng karapatang mamili. Nasa sa atin na ito kung ano ang sa tingin natin ay tama at mga papaligaya sa atin. Basta lagi nating papahalagahan na ang tama ay dapat mangibabaw sa bawat sitwasyon ating kinahaharap at ang mga maling bagay ay dapat na iwasan.

JINTOMAS NG PAJIJING BEKI (mga sintomas)

ni: Mariel Campita


Paano ba malalaman kapag ang “guy” turns into “gay”?. Para malaman, may ilang mga senyales akong nakalap sa Gay World upang maging basihan ng pagkakakilanlan ng mga Bakla.

Kung ikaw kaya ay hindi pa 100% sure sa iyong gender o di kaya’y nagmamaang-maangan na wala kang alam, puwes ihanda mo na ang iyong sarili.

Una. Madalas mo bang makita ang iyong sarili sa kahinahinalang gawain? Katulad na lang pag-pilantik ng iyong mga daliri, pagbali-bali ng balakang o baywang, at pagpapaganda. Aba-aba, mag-isip-isip ka na!!

Ikalawa. Kung napapansin mo naman na ang iyong boses ay parang naiipit na nanggagaling sa ilong kahit wala namang sipon.

Ikatlo. Mga bagay naman na trip na trip mong kahumalingan na pang-girlash. Mapa-malalaking borloloy, pampa-ganda sa katawan at kung anu-ano pa.

Ika-apat. Dabarkads, karaniwang kasama mo sa iyong mga lakad mapababae man o kapwa mo baklushi.

Ika-limang stage na sintomas ng pagiging bakla ay ang…” pagkahumaling sa kapwa lalaki”. May lihim ka bang pagtingin na matagal mo nang pinakatatago-tago? Uuy…
6th Pagiging ARTISTIC. Aba!!! Kung ikaw ay machong estudyante ngunit masyado kang magaling sa paggawa ng mga bulaklak o kung anu-ano pang pang-design na nakalagay sa notebook mo. Naku po!!! Kahina-hinala.